May 20, 2012

Testimonials

Sarah Balabagan – “Inaaanyayahan ko po kayong maging miyembro ng Club na ang founder ay si Ambassador Roy Seneres, ang taong nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi.”

Wahida Malaydin“Nakapatay ako ng boyfriend kong Bangladeshi dahil nawala ako sa aking sarili.  Nahatulan ng kamatayan sa Abu Dhabi ngunit naihingi ako ng pardon ni Ambassador Seneres at ako ay nakauwi sa Cotabato pagkatapos ng tatlong taong pagkakulong lamang.”

Lina Bentiroso“Iniligtas ako sa kamatayan ni Ambassador Roy Seneres.  Magpapakamatay na sana ako sa pamamagitan ng pagsasaksak sa aking sarili dahil sa hindi ko na matiis ang pananakit sa akin ng aking Madam na Araba.  Madaling araw noon nang si Ambassador mismo sa halip na mga tauhan lamang nya ang nagpunta sa akin at nakiusap sa akin na huwag ituloy ang aking masamang binabalak.”

Tarhata Akaz“Ako po ay isang  nurse na nakapagasawa ng isang makapangyarihan ngunit malupit na Arabo. Tinulungan po ako ni Ambassador Roy na maka eskapo sa aking asawa at makauwi sa Pilipinas ng matiwasay.”

Nelfa Baltar“Pinakulong ni Ambassador Seneres ng isang taon ang mag-asawang Egyptian na nambugbog sa akin sa Sharjah, UAE.  Pinagmulta din sila ng hukom ng mahigit kumulang kalahating milyong piso.”

Alberto “Bong” Roy“May nagpadala sa akin ng shabu na hindi ko alam. Pagdating ko sa airport sa Abu Dhabi hinuli ako at hinatulan ng sampung taong pagkabilanggo.  Ngunit sa tulong ni Ambassador, nabigyan ako ng pardon ng Pangulo ng UAE at nakauwi pagkatapos ang dalawang taon lamang.”

Nestor Oliver (naging Pangulo ng United Filipino Association in the Emirates, UFAE) – “Wala nang makakapantay sa klase ng serbisyo na ipinagkaloob ni Ambassador Roy Seneres sa mga kababayan natin sa United Arab Emirates.  Siya ay mapagmalasakit sa amin.  Laging bukas ang kanyang opisina, maging ang kanyang tahanan sa lahat na may matinding pangangailangan.  Isang karangalan ang maging ka-pamilya ni Amba sa OFW Family Club!”

Engr. Artemio “Bong” Diokno (naging Pangulo ng United Filipino Association in the Emirates, UFAE) – “Hindi namin makakalimutan si Ambassador Seneres.  Siya ay talaga namang parang tunay na ka-pamilya.  Kayang-kayang gisingin anumang dis-oras ng madaling araw kapag may  Pilipinong nagigipit.”

Engr.  Romulo Paragas – “Ako ang Pangulo ng Abu Dhabi Community Association sa Al Ain noong nakapiit si Sarah Balabagan sa Central Jail ng Al Ain.  Kitang-kita naming lahat ng mga Pilipino ang puspusang pagtulong niya kay Sarah sampu ng kanyang maybahay na si Mrs. Minnie Seneres at mga anak na si Hannah, Hazel, Christopher, Roy Jr., Christian na madalas dumadalaw kay Sarah at sa lahat ng mga nakakulong na mga Pilipino.”

One Comment

  1. Posted August 8, 2011 at 2:25 pm | Permalink

    Hi there blogger, it is nice to see a fellow blogger put out some great stuff, keep rocking

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>